Isa si Marvin Agustin sa mga artista na hinahangaan hindi lamang sa galing nito sa pag-arte, maging sa pagiging magaling nito mag negosyo. Alam naman nating lahat na bukod sa pagdadala ng mga foreign artists ni Marvin Agustin dito bansa bilang producer ng mga ilang Foreign artists, tagumpay din si Marvin Agustin sa kanyang mga negosyo na restaurants tulad na lamang ng SUMOSAM na sya , ang nag ma may-ari. Hindi na mabilang ang branches nang nasabing restaurant. Kamakailan ay muli na namang nagbukas ng panibagong restaurant si Marvin Agustin sa 4th Floor ng SM Manila. Hindi lamang isa kungdi tatlong restaurant ang sabay sabay nitong binuksan-Ang Tokyo Grill, Kung Fu Kitchen at Seafood Island Restaurant.

Pinatikim ni Marvin Agustin sa ilang bloggers, press at sa kanyang ilang celebrity friends na dumalo ang kanyang ilang specialty tulad ng Sizzling Bento na unang nagkaroon sa kanyang restaurant na Tokyo Grill. Pinatikim nya rin ang Japanese Bibimpap at Japas (Japanese small plates), Tokyo Grill Nachos at Jap Pao (sweetened slow cooked pork). Di magkamayaw sa kabusugan ang mga press dahil nagkaroon ng Asian Food tour ang kanyang mga panauhin…mula sa Tokyo Grill na may Japanese Food, pinapunta nya rin sa Kung Fu Kitchen na may Chinese Food tulad nang Xiao Long Bao. At panghuli ay ang sariling atin na pagkain mula sa Seafood Island.
Sina Laila Chicadora at Divine Lee ang nag hosts ng nasabing programa. Dumalo rin ang ilang celebrity friends ni Marvin Agustin na sina Roselle Nava, Bobby Yan na kasama nila sa cutting of Ribbon. Present din si Jeffrey Hidalgo. Nag perform naman si Duncan Ramos at ang Showtime Dancers para libangin ang mga tao sa SM Manila.
Nang tanungin si Marvin ng ilang press kung ano ang sikreto nya sa pagiging matagumpay nya sa kanyang restaurant business ay isa lang ang isinagot nya, “ Mayroon akong mga business partner na talaga namang maasahan na tulungan ako sa ganitong klaseng negosyo.” Ang tinutukoy ni Marvin Agustin na kanyang mga business partners ay sina Mr. Raymund Magdaluyo (Business Development Partner), Glecy Lopez-Go (Managing Partner-Kung Fu Kitchen) at Owen Gan (Brand Consultant-Seafood Island). Kasama ni Marvin Agustin ang kanyang kambal na anak na kasama nyang nakikihalubilo sa kanyang ilang panauhin.
*Press Release
