ShekinahPhotoDiary - Budoy + Athan - Budoy + Athan
ShekinahPhotoDiary
Spanish/Chinese/Filipino • Christian • Entrepreneur • Fashion designer •Trend consultant •Philanthropist • Traveler • Writer • Photo blogger // Matthew 7:2
Budoy + Athan

Spent my night with my brothers and my mom to watch Budoy’s first episode. Sa pagwatch namin, nagfflashback kay mama lahat ng pinagdaanan nya sa kapatid kong si Athan na almost the same as Budoy. Almost kasi mayroong pagkakapareho at meron din namang pagkakaiba. Una sa lahat, my brother has Stage 4 case of Cerebral palsy. Like what I’ve said sa previous post ko about Budoy, hindi sya nakakapaglakad or nakakapagsalita. Nalaman ito ng ng aking mama when he was just five month-old baby. My mom asked herself kung bakit hindi daw nayakap si Athan. Simula nung nakikita na ni mama yung differences ni Athan sa ibang bata, pinacheck-up nya agad si Athan. Pati ako, nagreminisce tuloy. Haha. Kasi that time, grabe sina mama. Halos pinuntahan nila lahat ng hospital at doktor. Good thing, may blessing(pera) kami nun. Thanked God at gumamit Sya ng instrumento para matulungan kami.

Sa ngayon, my mom said, si Athan lang daw ang may ganitong kaso dito sa Pilipinas. I’m not sure, though. I still need to google for that matter. Lol. Anyway, kitang-kita ko kay mama ang pagsang-ayon nya sa mga napapanood nya kanina sa Budoy. She was too keen not to continue telling her stories about Athan. Kapag commercial, kinukwento nya yung mga nangyari nung naghahanap ng solution para kay Athan. Kaya sa mga susunod na episodes, tiyak na maluluha kayo dahil sa mga eksena ni Elena at Budoy. Sobrang naiyak ako dun!

My brother always lay in bed. Pero kapag papakainin o papainumin sya, pinapaupo sya sa kanyang stroller. Actually, matagal na yung stroller nya. Good thing, matibay sya. Haha. Ayun, ganun lagi si Athan. Kain, tulog, ligo, syempre kasama na dun ang pagtoothbrush atbp. Lol. Kaya minsan, dalawa ang helper namin. And, of course, buff dapat. :)) Ang mahirap sa kanya, eh, yung kapag nagseizure sya. Back to zero yung lahat ng nangyari. Grabe nga eh, hindi na nga sya nakakakilala.. mabubura pa lahat nung memories na naiipon nya. :(

It’s really sad for us.. pero hindi na lang namin tinitingnan yung nega side. Basta kami, happy to have him. He’s really a blessing! Biruin mo.. dapat at age of 7, wala na sya. Eh, 11 years old na sya ah! Pero hindi, pinagkaloob pa rin sa amin sya ni God. And we know and believe that God has a purpose kung bakit nangyari ito sa kanya. We always pray na one day, he will be a living witness ng family ko. One day, magiging testimony nya ito at pagkakalat na.. God is great! He’s the great healer! Kahit doctor, gamot, o anuman, walang magagawa. But with God, all things are possible!!!

Maybe you want to ask me kung paano kapag kinuha sya ni Lord. Kami ng family ko, we already accepted it. If yun ang will ni Lord, go. Hindi naman porket hindi sya gumaling or whatnot, hindi na yun miracle. Miracle is something naman pwede makita sa changes ng isang tao: physically, emotionally, mentally, or spiritually. Ngayon pa nga lang, malaking tulong na si Athan sa amin. ‘Cause we became more understanding, patient, and yung faith and love namin lalong tumitibay. Hindi sya lucky, kundi isang malaking blessing for us.

First time ko mag share about my personal life ah. Kaya wag nyo sana sayangin itong effort ko. Lol. I really hope na may natutunan kayo dito sa post na ‘to. I know it’s private, pero.. ano ba dapat kung itago? Eh, wala namang lihim na di nabubunyag. Plus, maganda ‘to para naman tamaan ang puso nyo. Hehe.

Basta advice ko lang sa inyo, lagi nyong tandaan na everything happens for a reason. Ang buhay natin dito sa mundo ay may dahilan. Kung bakit tayo ganito, nandito, at anumang-to, eh, may purpose. Hindi pa natin alam sa ngayon pero magugulat na lang tayo isang araw, yun pala yun. At huwag nyong sayangin ang buhay nyo sa walang kwentang bagay. Yung iba nga dyan, blessed to have one big happy family, pero ang buhay naman one big trouble. Iba naman kumpleto ang katawan, pero ginagamit naman sa ibang paraan. Mga bagay na wala naman mapapala, eh itigil nyo na. Hahabulin lang kayo ng consequences. Lalo pa kayong magssuffer.

O sya, that’s all. Bow.

X

    1. personalopinioneverything happens for a reasonlifebudoyjonathan david armentamiracleadvice
    1. shekinah posted this
    1. Timestamp: Monday 2011/10/10 23:18:00
    Photoblogs - Top Blogs Philippines